ang munting prinsipe

I. Introduksyon

Si antoine de saint-exupèry ay isang kuwentista, makata, peryodista, at pilotong frence. Iginawad sa kaniya ng france ang mga pinakamataas na pagkilala sa larangan ng panitikan at national book award mula sa united states. Ang nobela niyang the little prince ay unang inilimbag sa amerika ng reynal & hitchcock noong abril 1943 sa wikang french at english, at sa france nang lumaya na ang france dahil ipinagbawal ng vichy regime ang lahat ng mga isinukat ni antoine de saint-exupèry.

II. Buod

Ang the little prince ay tungkol sa isang batang prinsipeng bumisita sa mga planeta sa kalawakan, kasama ang daigdig. Tinalakay ng nobelang ito ang tungkol sa kalungkutan, pakikipag kaibigan, pag-ibig, pagkawala, buhay, mga nakatatanda, at kalikasan ng tao.

III. Pagsusuri

Sa aking pagsusuri meron itong mga ibat ibang uri ng teoryang pampanitikan. Una humanismo ang humanismo ay isang teoryang pampanitikan na tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa dignidad, kalayaan, at potensyal ng tao. Kahit na ang The Little Prince ay naglalaman ng mga aral sa pagkakaroon ng respeto sa ibang tao at pagpapahalaga sa mga relasyon. Pangalawa, ang biography naman ay tumutukoy sa pagsasalaysay ng buhay ng isang tao. Ito rin ay naglalahad ng mga karanasan at pakikipagsapalaran ng isang batang prinsipe, pero hindi ito isang tunay na biograpiya ng isang tao sa tunay na mundo. Pangatlo, Ang romantisismo at realismo naman ay mga teoryang pampanitikan na kadalasang ginagamit sa pagsasalarawan ng mundong totoo at mga emosyon ng mga tauhan. Ngunit may mga emosyonal na bahagi at mga sitwasyong nagpapakita ng romantisismo at realismo, ito rin ay pagsasalaysay ng mga aral at mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong karakter at pangyayari.

VI. Opinyon

Sa aking opinyon, ang The Little Prince ay isang napakagandang aklat na naglalaman ng mga matinding aral at pagsusuri sa kalikasan ng tao at ng buhay mismo. Pinapakita nito ang kahalagahan ng pagmamahal at pag-aalaga sa isa't isa, pati na rin ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa simpleng mga bagay sa buhay na madalas ay hindi natin napapansin.


by: nievera, marycar

Comments