ang munting prinsipe
I. Introduksyon Si antoine de saint-exupèry ay isang kuwentista, makata, peryodista, at pilotong frence. Iginawad sa kaniya ng france ang mga pinakamataas na pagkilala sa larangan ng panitikan at national book award mula sa united states. Ang nobela niyang the little prince ay unang inilimbag sa amerika ng reynal & hitchcock noong abril 1943 sa wikang french at english, at sa france nang lumaya na ang france dahil ipinagbawal ng vichy regime ang lahat ng mga isinukat ni antoine de saint-exupèry. II. Buod Ang the little prince ay tungkol sa isang batang prinsipeng bumisita sa mga planeta sa kalawakan, kasama ang daigdig. Tinalakay ng nobelang ito ang tungkol sa kalungkutan, pakikipag kaibigan, pag-ibig, pagkawala, buhay, mga nakatatanda, at kalikasan ng tao. III. Pagsusuri Sa aking pagsusuri meron itong mga ibat ibang uri ng teoryang pampanitikan. Una humanismo ang humanismo ay isang teoryang pampanitikan na tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa dignidad, kalayaan, at potensyal ng tao. ...